Showing posts with label bad day. Show all posts
Showing posts with label bad day. Show all posts

March 29, 2009

Sana...

***toot toot -- toot toot***

Warbird: Malate daw tayo nila O and Rain
Macoy: Sige. Saan ko kayo pupuntahan?
Warbird: Kita nalang tayo sa kanto ng Nakpil. 'Dun sa may PNB.
Macoy: What time?
Warbird: 11:00 pm.
Macoy: O.K. Ligo na ako.

***toot toot -- toot toot***

Macoy: San na kayo?
Warbird: Dito na sa loob ng bar.
Macoy: Sige punta na ako. Sumama si Mr. Ipod. O.K. lang ba?
Warbird: Fine.

------

Warbird: Bakit mo sinama si Mr. Ipod?
Macoy: Baka daw may gawin ako. Kaya ayun, binabantayan ako.
Warbird: Ang sweet!
Macoy: Is it?
Warbird: Bakit naman hindi?
Macoy: Wala lang. I guess, iba ang interpretation ko.
Warbird: Meaning?
Macoy: Basta.

------

Trust me! 'Pag ikaw aalis or lalabas with your friends, hindi ka nagpapaalam sa'kin. Iinform mo ako 'pag nasa place ka na or on the way ka na. And since I trust you, na wala kang gagawing kagaguhan, hinahayaan kita. Pero 'pag ako, bawal lumabas mag-isa, bawal sumama sa mga kaibigan, bawal makipag usap sa hindi ko kilala, bawal tignan ang phone unless ikaw ang unang magbabasa ng text message. Oo nung una ang sweet. Pero sobra na.

Ilang beses ko kailangan sabihin na hindi ako magloloko. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagago kaya hinding-hindi ko gagawin yun. At hindi pa ako nanggago o nangloko ng ibang tao. Kung naniniwala ka sa mga sinasabi ko, bibigyan mo ako ng oras para sa sarili ko at para magawa ang ibang bagay na guto kong gawin...

March 18, 2009

Zombie 101

This is slavery!!! I've been working for 43.5 hours now. Straight! I haven't gone home to take a shower nor change clothes! But I must say, I'm still doing good. Productive as can be. Hehe. Now that's what you call bragging! Hahaha. My boss aka "slave driver" thought that if I stayed here and work my ass off, I can go on leave for at least a month! And I grabbed it! I mean, a month of fun and leisure would be nice! Very nice! Hehe. That's whats keeping me going! I bet I can extend another 24 hours!

But then again, where would I go? I've been wondering about the majestic beaches in Guam. Or probably spend the days off in Thailand. Indonesia maybe? Hmm...

First, I have to finish all these freaking reports so I can go! Boy would I love to spend an entire day in a bath tub!

Care to join me? Hehe. Just kidding! But I'd really enjoy that! I'm pretty sure I can fall asleep while enjoying a bubble bath!

October 16, 2008

Good mood ako!!!!


Good mood ako.. Good mood ako.. Good mood ako...

Since this morning, ito and sinasabi ko. Ito ang chant ng buhay ko for this day. And dapat maging mood ko the whole day. Pero parang imposible! Mantakin mo, yung officemate ko napakahilig magmagaling, bumibida nanaman.

Pagkagising ko, feeling ko ang fresh-fresh ko. Pero simula nung nakita ko siya, nagsimula nang makontra ang "good mood" chant ko. Nung nagkita kami pag dating ko sa office, ang isinalubong sakin, irap.

Walang dating!

Pakialam ko?! Eh 'di umirap siya ng umirap hanggang maduling siya! Wala akong pakialam!

Again, good mood ako! Ulitin pa, good mood ako! Isa pa, good mood ako!

Hindi ko nalang pinansin the whole day. Pero parang nananadya ang tadhana! Siyeeeet! Thursday pala ngayon! Meaning, may calibration kami! And wala akong ibang choice kundi makisama since kasama naman talaga siya sa calibration session! Asaaaarrr!

Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!

Buti nalang hindi natuloy ang calibration. Nung tinawagan na namin yung client, cancelled daw ang calibration. Sa loob-loob ko, Yihiiiiiii! Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!

During lunch break, nagsabi yung isang officemate ko na manglilibre daw siya ng lunch. Itago nalang natin sa pangalang "tangkad". So in-invite si boss. Eh ang sabi naman ni boss, mags-stay nalang daw siya kasi kawawa naman ang mga maiiwan sa floor. Fine! So nagpa-order nalang sila. Pero take note, libre pa din ni tangkad yung food ah. Before kami lumabas ng floor, narinig ni tangkad na may kausap si "officemate". And guess what, ako ang pinagu-usapan! Na kesyo mukha daw tikbalang at kung ano-ano pa! Ang kapal ng mukha!

Hooooops... Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!

Pagbalik namin sa floor, binigay na ni tangkad yung food nila boss (kasama si "officemate"). Sa conferrence room sila kumain. 3 sila. Fine. Good mood ako! After nila kumain, unang lumabas si TM. In fairness naman kay TM, nag thank you siya kay tangkad. Nung si boss ang lumabas, nag thank you din. Nung si "officemate" na yung lumabas, pucha dere-derecho ang lakad! Humablot ng tumbler ng isang agent sabay inom ng tubig na laman nung tumbler. Ang kapal ng mukha! Ako yung nahiya para kay tangkad!!!

Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!

Towards the end of the shift, iniwasan ko na para nga hindi na masira ang araw ko. Again, magaling manukso ang tadhana! Siyeeeet! Pagsakay ko ng elevator, biglang sumulpot si "officemate" sa pinto! At dalawa lang kami sa loob! From 18th floor hanggang sa ground floor, wala na siyang ibang sinabi kundi "bakit ganyan ang suot mo? Hindi pa naman Friday ah, bakit naka-jeans ka?" "Ganyan ba talaga ang kulay ng damit mo? Parang ang dumi!" Habang sinasabi niya yung mga yun, sa isip-isip ko, "good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!"

Parang ang tagal bumaba ng elevator! Siyeeet! Nung nasa ground foor na, pucha hindi pa bumukas yung pintuan! In short, na-stuck kaming dalawa sa loob! Ang magaling na officemate, hala nagsi-sigaw sa loob! Hindi ba niya naisip na kulob yung boses niya?! Feeling ko nga, nabasag na yung ear-drum ko sa lakas ng sigaw niya! Baka nga may umaagos pang dugo palabas! Siyeeet! Ako naman, nakapikit lang...

Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!
Bumukas yung pintuan ng elevator after 35 minutes! Yun na siguro ang pinaka masayang moment ng buhay ko! Yung isiping makakalabas na ako at uuwi na! At hindi ko na siya makikita the rest of the day!

Bahala na bukas sa office pag nakita ko siya ulit! Ah may naisip ako, magpapa-late ako at sa ibang post ako uupo! Yung post na pinakamalayo sa post ni "officemate"! Tama!

Good mood ako! Good mood ako! Good mood ako!
--------
Salamat sa'yo Mommy Nonette at kahit paano
gumagaan ang araw ko sa office
everytime nakikita ko ang napaka-ganda mong bangs!
Hehe! I love you mommy! .. :p