November 11, 2008

Ang Paghihiganti ni Pilosopong Tasyo!

November 10, 2009 - 10:10 pm

Kabababa ko lang ng bus sa Ayala. Maaga pa ako para sa shift kong 11:00 pm. Pwede pa magsindi ng isang stick ng sigarilyo. *hithit-hinga ng malalim-buga* Haay! Haggard-free!Ang dami ko pa naman dalang gamit kasi galing ako sa bahay last weekend. Iniisip ko, makakapag palit pa ako ng damit sa pad, makaka-kain pa ng dinner, at makakapag toothbrush pa. Palagi ko na nga lang aagahan pumasok sa office every Monday. Para pag dating ko sa office.. FRESH!

Pagkaubos ng yosi, pitik sa gilid.

*PPPRRRRRRRRRRRTTT*

Lumingon ako. May pulis. Naglalakad palapit sa akin. Pero I bet hindi ako ang lalapitan nya.
"Boss" sabay kaway. Lumingon ako sa likod ko. Wala naman tao. Sira ulo yata 'to na nagpapanggap lang na pulis.

*PPPRRRRRRRRRRTTT*

"Boss, ikaw". Ako? Bakit? Ah siguro magtatanong lang kung anong oras na. Pero may suot naman siyang relo. Baka walang battery? O kaya sira? Anyway, lumapit ako kay mamang pulis.

"Boss, alam mo bang bawal magtapon ng sigarilyo dito sa Ayala?" sabi n'ya.

Nanlamig ako. Naramdaman ko yung lamig na gumapang sa buo kong katawan. Nagpawis din ang noo at kamay ko kahit malamig ang panahon. Bad trip! Bakit ngayon pa?! Asar! Pero teka lang, 10:30 na ng gabi ah. Dapat wala ng pulis! Tinanong ko si mamang pulis na ang apelyido ay Gonzales base sa uniform n'ya, "Ha? bawal? Naku pasensya na po sa abala. Hindi na po mauulit."

"Bossing pasensya na din pero nahuli kitang nagtapon ng sigarilyo" sagot naman ni Gonzales.

Para hindi na tumagal ang usapan, sige hulihin mo ako. Ok lang. 'Wag lang akong ma-late sa office at andun ang mga clients. Naisip ko din, masyado nang late pero nanghuhuli pa din si mamang pulis. Malamang, hindi ito umabot sa quota. Kung kinakailangan habaan ang pasensya, sige lang.

"Bossing ticket mo" sabay abot ng ticket sa akin.

Binasa ko.... Kumba kumba kumba.. 2,000!!!! Ano?! Dalawang libong piso para lamang sa pagtatapon ng sigarilyo sa kanto ng punyetang Ayala?!! 'Pag minamalas ka nga naman! Asar!!!
Tinanggap ko ang ticket at dali-dali na akong umalis. Ayokong ma-late. Dapat FRESH ako pag dating ko sa office.

10:43 pm

"Boss paki pin lang po ng ID" sabi ng manong guard sa baba ng building.

Halukayin ang bag! TEKA!! Nasaan ang ID ko?!! Bakit parang wala sa bag ko?!! Punyemas! 'Pag minamalas ka naman talaga oh!

"Eh manong, naiwan ko po yata. Hindi niyo ba ako nakikilala? Araw-araw ako dumadaan dito ah."

"Kakasimula ko lang po kahapon. Pasensya na po pero bawal po pumasok pag walang ID. Kung may extra po kayong ID, paiwan na lamang po sa reception" sagot sakin ng guard.

Grrrrr!!!! Malas malas malas! Ayaw ko na ng araw na ito! Grrrr!!! Yung FRESHNESS na iniisip ko kanina, unti-unti nang naglalaho!

11:02 pm

Basa ang buhok at likod ko ng pawis, at parang lahat na yata ng mga tiklop sa katawan ko e basa na din ng pawis!

Ang napaka gandang salubong sa akin ng manong guard sa 18th floor, "Bossing parang naglakad kayo sa putikan a." Sabay tawa.

Tinignan ko ang paa ko..

*JARAAAAN*

Umikot ang mundo nang makita ko na ang nanlilimahid kong paa! Naka tsinelas lang ako kaya ayun, may guhit ng putik sa ibabaw ng paa ko! At ang mga gilid ng kuko ko, siniksikan na ng putik! Kung makikita lang ng nanay ko ang paa ko ngayon, katakot-takot na sermon na ang inabot ko panigurado!

Para naman kay manong guard, "Manong, ganyan ang uso ngayon! ang tawag jan... SQUATERISH look!"

Dahil hindi ko na nahabol ang FRESH look, at late na din naman ako, pwes, magpapa-late na ako ng tuluyan! Dadaan na muna ako sa pad para maligo, maglinis ng kuko, at kumain!

11:32 pm

Ultra FRESH ang feeling ko habang naglalakad ako papuntang office. Naka tsinelas pa din, kasi iniwan ko pala sa opisina ang sapatos ko nung Biyernes bago ako umuwi. Pero naka business attire na ako. Pag akyat ko sa ulit sa 18th floor, dumaan muna ako sa pantry para kumuha ng tubig na maiinom at madadala sa loob ng production floor. Habang naglalakad, sinasabi ko sa isip na.. FRESH AKO! FRESH AKO! FRESH AKO!

Binuksan ko ang tumbler para uminom nang biglang may sumabit sa paa ko...

Tila nag slow-motion ang dahan-dahan kong pagbagsak! Nakita ko ang mga Bumbay na nakatingin sa akin at nakabukas pa ang mga bunganga ng mga hayop! Nakita ko ding umangat ang laman na tubig ng hawak kong tumbler kasabay ng paglipad ng isang tsinelas ko! Hanggang maramdaman ko ang matigas na sahig, una sa aking tuhod hanggang sa dibdib. Gustuhin ko mang pigilan ang nakakahiyang pag bagsak, hindi ko nagawa dahil hawak ko sa kaliwang kamay ang tumbler ng tubig na wala nang laman dahil lumilipad pa ang tubig, sa kanang kamay naman, ang basag ko nang telepono.

Nang maramdaman ko na ang sakit na dulot ng pagbagsak na, nanatili lang akong nakahiga sa sahig. Akala ko tapos na ang kahihiyan. Hindi pa pala! Yung tubig na kasalukuyang lumilipad, unti-unti nang bumababa! Gustuhin ko mang umilag, ang punyemas na katawan ko ayaw maki-cooperate! Ayaw n'yang gumalaw!!! Hanggang sa ayan na! Malapit na! Hahalikan na ng tubig ang ang mukha ko! Isa, dalawa, tat..

*SSPLAAAAAAAAAASHHHH*

Hindi ko man lang natapos ang pagbibilang ko. Hindi ako makagalaw. Hindi dahil sa masakit ang katawan ko, kundi dahil sa kahihiyan! Sobrang nakakahiya!!! Eeeeeeee!!!

*PLONGK*

At ang magaling na tsinelas, sumunod pa! Sobra na 'to! Lord sana lumindol para ma-distract ang mga tao! Ayoko na! Bwiseeeeet na FRESHNESSSS yan!

Naghintay akong may lumapit sa akin. Aba! Ang mga hayuuup nagtatawanan lang sa post nila! Hindi ba nila alam kung ano feeling nang napapahiya?! Tumingin ako sa mga Bumbay, hoping na tutulungan nila at sasawayin ang mga agents. Pero hindi! Naki-tawa pa ang mga akala mong mababangong Bumbay! Leche! Pwes, pandilatan ko nga! 'Yung tipong nakamamatay na dilat!

Walang dating sa mga agents at Bumbay! Lalo pa nilang nilakasan ang tawa!

Nag-isip ako kung ano ang pinaka the best na paraan para matakasan ang kahihiyang ito. Tumawa din kaya ako? Para isipin nila na nagpapatawa lang ako. Pero mahirap tumawa kung naiiyak ka na sa sobrang kamalasan! Kung itutuloy ko naman ang pinipigilan ko ng luha, panigurado lalo lang silang tatawa. Deadma kaya? Hindi din! Masakit and pagbagsak ko para deadmahin! Aaaaahhhhh LECHE!!!

Bumangon nalang ako. Pinilit tumayo ng derecho kahit masakit ang tuhod at pwet ko. Go! Punasan ang tumutulong buhok ng dahan-dahan.. Sabay sabi ng,

"That's what you call GRAND ENTRANCE!"

Pinili ko nalang magpatawa kahit hiyang-hiya na ako. At least iisipin nila na OK lang sa akin 'yun. Iika-ika akong lumakad papunta sa offfice ko. Isang kamay nasa bewang, sa kabilang kamay naman, 'yung pesteng tumbler. At habang naglalakad, pinagda-dasal ko pa din na lumindol!
Pero deadma pa din si Papa Jesus. Haay. Goodbye FRESHNESS!!

'Pag pasok ko sa office, isasara ko na dapat ang pinto pero nakadama ako ng panlalamig sa paa. Nakalimutan ko pala ang tsinelas kong mumurahin! Siyeeet! Lumingon ako, nakatingin pa din ang mga sinumpa kong agents! Naghanap ako ng pwede kong utusan.

"Jason, go on Aux 4! Get my slippers and bring it here! Now!" Pasigaw kong sabi. Pero take note, British accent pa ito!

Sumunod naman agad si agent. Takot pa din ang mokong kahit pinagtawanan ako. Pagkaabot ng tsinelas, inutusan ko pang punasan yung basa sa sahig kung saan gumuho ang FRESHNESS ko! Sabay sara ng pinto. Dahan-dahan naman.

11:58 pm

Maghihiganti ako!!! Sa mga hinayupak na agents, pati na din sa mga mababahong Bumbay! Wala akong pakialam kahit magalit pa sila sa'kin! Lintik lang ang walang ganti! Naks! Sisiguraduhin kong matitikman nila ang pait ng paghihiganti ko! Ang tanong nga lang... Paano? Tsaka dapat hindi nila mahahalata

*TING*

Mags-scan ako ng calls ng mga agents at hahanapan ko talaga sila ng butas! Sisiguraduhin kong LUPA ang grades nila! 'Yung tipong magmamakaawa sila sa'kin para mag-additional scan! Bwahahahaha! At sa mga mababahong Bumbay na 'yan, um.. Pagiisipan ko pa kung pano ako maghihiganti!

4:56 am

Wala nang break-break! Kailangan ma-scan ko sila lahat! Tapos na ako sa 18! 2 nalang at tapos na ako sa paghihiganti ko! Nyahahahaha! Pero ginaw na ginaw na ako. Bakit kasi hindi ko pa dinala yung jacket ko kanina bago pumasok sa office?! Ayan tuloy. Pero OK lang. Basta makapag higanti!

5:20 am

Binuksan ko ang pinto. Sumilip. Naghanap ng agents... Kilala ko na kung sino ang uunahin ko! Yung pinaka malakas tumawa kanina!

"Kakai, after that call go on Aux 4! We have coaching session! Clear?!"

6:00 am

Bwahahahahaha!!! Ang saya! Ang sarap maghiganti! Halos lahat ng agents na na-coach ko, nagmakaawa sa'kin para mag-additional scan sa kanila!!! Biglang may kumatok sa pinto. So tumayo ako para buksan. Ang CEO ng buong account! Himala! Bakit ako pinuntahan? Nahalata ba n'ya na lahat ng lumalabas na agent galing sa office ko e malungkot?

Walang dating!

"I noticed you have not taken your break yet. 'Wanna join me?"

Biglang pumasok sa isip ko ang napipintong paghihiganti sa mga Bumbay! This is my chance! This is it!

"Sure Sir! I'll just grab my wallet!" Ang laki ng smile ko! Sisiraan ko ang mga Bumbay sa mga sine-send nilang reports! Ipapangalandakan ko ang inaccuracy sa reports nila! This is really it!

Sinuot ko ang tsinelas since kakain lang naman kami sa tapat.

Habang naglalakad kami ni Boss sa floor, nakatingin lahat ng agents. Pti na din ang mga Bumbay. Derecho lang ang tingin ko. Kunwari wala ako ibang nakikita kundi ang malapad na likod ng Boss ko. Before makalabas ng production floor, hinawakan ng isang TL ang sleeves ko sabay sabi, "Tofi, remember, Karma is digital!"

Sinagot ko nang "Really? Since when? 'Yang mga hayup na Bumbay na yan ang dapat matakot sa Karma for polluting the air we breathe!". Sabay pa kami nagtawanan ni TL!

6:12 am

Pag labas namin ng building, umaambon. Natanong ko tuloy ang sarili ko.. Umiiyak ba ang langit dahil napahiya ako kanina? It's nice to know na nakikidalamhati ang langit sa'kin. Hehehe.

Maluwang ang kalsada dahil wala pa naman masyadong mga sasakyan na dumadaan. Maninigarilyo dapat ako pero naisip ko ang ticket na naka-ipit sa wallet ko. Mamaya nalang ako maninigarilyo 'pag tapos kumain. For now, kailangan tumawid at alalayan ang dambuhalang CEO.

Nasa gitna kami ng kalsada nang aksidenteng matapakan ng CEO ang tsinelas ko!

*SLOW MOTION MODE*

Dahan-dahan ko ulit naramdaman ang pagbagsak ko. Lumingon ako sa gilid para tignan c Boss, dilat na dilat ang mata, nakabuka ang bibig at nakatayo lang! Na-shock yata. Tumingin ako sa harap. Maraming nakatingin! Naku po!!! Ito na ang Karma!!!

*BLAAG*

Para akong aso na nakadapa sa gitna ng kalsada! Asaaaar! Bakit?!! Bakit kailangan maulit at sa harap pa ng mas madaming nakakakita?!!!! Asaaaar!!!!

Dali-dali ako tumayo! At infairness, c Boss naman ang umalalay sakin hanggang makatawid na nga kami. Ayoko na! Sobrang pagka pahiya na ito para sa isang araw!!! Lumindol ka na kasi!!! Para ma-divert ang attention ng tao!!!

Nararamdaman ko pa din ang init ng tingin ng mga tao sa likod ko habang papasok kami ni Boss sa kainan. Haay. Isa ang araw na 'to sa mga gusto ko ng matapos para makalimutan na agad! Makalimutan ang nangyari. Makalimutan ng mga tao ang nangyari. Higit sa lahat, makalimutan na ang pagka pahiya ko!

7:00 am

Isang oras nalang uwian ko na! Makakapag tago na ako sa pad ko! Ang plano, aabsent ako mamaya sa shift ko! Sa ngayon, surf lang muna ng internet! Go!

8:00 am

Sasabay ba ako sa mga agents umuwi o magpapa-late ako ng konti para ako nalang mag-isa? Mas maganda yatang plano yung magpa-late ng konti!

8:15 am

Ako nalang ang tao sa floor. It's time to go home! Yehey!!! Sa wakas! Matatapos na ang araw na 'to! Pero bago umuwi, naka-isip nanaman ako ng ka-demonyohan! Para simulan ang paghihiganti ko sa mga Bumbay, tanggalin ko nga ang mga wire sa likod ng mga computer nila! Hindi pa natatapos jan ang ganti ko! May kasunod pa yan! Hintay lang. For now, magpapakalunod muna ako sa paghihiganti ko sa mga agents. Bwahahaha!


------

share ko lang kahit walang kwenta..Ü