Pagkatapos ng lahat ng mga kaguluhan sa opisina, dapat lang na magbakasyon ako. At yun nga ang ginawa ko! 1 week sa San Fransisco, California! Guess kung saan ako nag-stay, sa pinsan kong hindi ko pa nakikita at nakilala ko lang sa Facebook! Ang galing nga naman oh.
Nung February 5, flight namin ni Reigh to San Fran pero may lay-over sa Narita, Japan. Ok naman yung flight. Hindi naman bumpy as predicted. Sa airport sa San Fransisco, palabas pa lang kami ni Reigh, nakita ko na agad ang pinsan ko. An older version of me! With less hair and darker skin tone.
No more introductions needed kasi kahit hindi pa kami nagm-meet ever, feeling ko kilala ko na siya through email. Anyway, hindi ko ine-expect na ganun kalamig sa San Fransisco. Sabi sa radyo, and temperature daw is 7 degrees! Nakakabaliw! Ako naman, pretend na OK lang sa balat ko yung weather. Kahit ang totoo, nanginginig na ang itlog ko sa ginaw!
Dumirecho kami sa bahay nila sa Ingleside. Super comfy. Sabi pa ng pinsan ko, sana daw ok lang samin ni Reigh matulog sa isang kama kasi yun ang pinrepare nila for us. Hehehe.
PAgkalapag ng mga gamit, umalis din kami agad. Pasyal agad. Hindi man lang naisip ng pinsan ko na baka gusto ko muna magpahinga. Hehe. Dumirecho kami sa Twin Peaks, isan tourist attraction sa San Fransisco. Nakakahilo paakyat kasi liko-liko nag kalsada! Mas malala pa sa Baguio! Pero pag dating naman sa taas, matatanaw mo ang buong San Fransisco! Ang problema nga lang, mejo hindi ko na-enjoy kasi nahihilo na talaga ako at nasusuka pa...
itutuloy ko na lang some other time ;) ir-recall ko muna ang mga nangyari after nun hahaha
February 14, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)