March 07, 2009

Totoo Ba?

Sabi nila, pag nagmahal ka daw, dapat yung buong-buo. Dapat yung walang itinatago. 'Yung walang pagdududa.

E paano kung napaka dami mong nakikitang dahilan para magduda? Pilitin mo mang sabihin sa sarili mo na walang ginagawang kakaiba ang partner mo, e alam mo sa sarili mo na meron naman. Itatanggi mo na makati ang jowa mo, pero sa loob-loob mo, minumura mo na siya ng palihim!

Napaka komplikado ng pag-big! Napaka hirap intindihin. Kung kailan nararamdaman mo nang mahal mo na siya, at saka mo naman mapapansin ang mga kakaibang bagay na ginagawa niya. Hindi mo alam kung sinasadya ba niya o tanga lang siya!

Ipapahawak sayo ang telepono, pero puro pakikipaglandian ang laman ng inbaks. Mga kung kani-kaninong pangalan at iskrin name ang naka-save sa drafts. Lintek na yan! Gaguhan ba?! Pero pag hindi naman kayo magkasama, nakakatunaw kung mag text sa sobrang lambing.

Punyetang pag-ibig yan!!!

-----

Hindi naman ako bitter... Ü