November 5 - Araw namin ni Elmo. And instead of celebrating, we were arguing. Ang reason, shoutout ko sa facebook.
It started last Sunday nung pauwi na kami. Dapat a week before, papanuorin namin yung Paranormal Activity sa internet. Pero hindi natuloy kasi mabagal yung internet connection. Tapos that Sunday, sabi nya napanood na daw nya yung movie with a friend. Aba at kinukwento pa sa akin kung anong nangyari. Nainis ako kasi dapat kami yung manonood nun. Hindi ko na lang sinabi na na-disappoint ako sa kanya kasi wala lang naman yun.
The other night, nasa NRT siya for his regular flight, nung pinost ko sa facebook na na-disappoint ako kasi nga hindi ko napanood yung movie na kasama siya. Pero si Elmo, napanood na. Pano ba naman, lahat na lang yata ng friends ko sa facebook e wala nang ibang pinagusapan kundi yung Paranormal Activity. Inshort, nabasa ni Elmo yung sinabi ko. Sabi nya issue pala yung nangyari. Ang suggestion nya sa akin, manood daw ako ng movie na hindi siya kasama para makaganti daw ako.
That's not the point!
Alam nya na gusto ko panoorin yung movie tapos malalaman ko na lang na napanood na pala nya. Siguro nga mababaw ako pero na-disappoint talaga ako. Tapos magsu-suggest pa na gumanti na lang daw ako para quits. Anong suggestion yun?! That's stupid!
Sa relationship, wala dapat gantihan. And hindi dapat iniisip ang gumanti 'coz' that's wrong. Well, sa tingin ko lang naman.
Iniwan kong naka-online yung facebook and YM ko para i-message nya ako or batiin since araw namin kahapon. Pero lumubog na ang araw, ni hindi man lang nagparamdam sa akin. Constant ko chine-check kung online siya or idle, pero naghintay lang ako sa wala.
Nag-message siya sa akin around 10pm na yata yun. Tapos away ulit over YM. Haay. Nakakapagod na. Inaamin ko ang babaw. Pero para sa akin, it's those tiny little things that makes me happy. The thoughtfulness. Ako kasi, before I do anything, iniisip ko muna siya. Kung gugustuhin ba nya na kasama ko siya or not. Gusto ko kasi, lagi ko siya kasama kahit gaano pa ka-minute yung gagawin. I guess because I love Elmo more.
Ang nangyayaari, I am getting dependent kay Elmo. Parang I can't do anything without Elmo. Tapos siya, super independent. Elmo can do whatever Elmo wants. Ang hirap. Feeling ko tuloy, parang nasasakal ko na siya. Ewan ko ba. Hindi ko na alam yung gagawin ko.
From now on, I'll try to be more independent. I can't be like this. Hindi ako gaganti because that is just wrong. Pero as much as possible, uunahin ko na muna ang sarili ko more than anybody else.
November 06, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)