**Masaya ako! Masaya ako! Masaya ako!**
'Yan ang sinasabi ko sa sarili ko simula kaninang umaga pagkagising ko. Isang orasyon na kailangan ulit-ulitin para maisakatuparan. Isang dasal na walang katiyakan kung magiging katotohanan.
Madami-dami na din akong "laban" na nalampasan. Pero wala na yatang mas titindi sa laban na hinaharap ko ngayon. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gusong ikwento. Ang problema, wala akong malapitan kahit isa. Kahit kapatid ko ay hindi ko makausap. Tanggap ko ang sakit na dahan-dahang gumugupo sa akin. Tanggap ko din na walang katiyakan kung gagaling pa ako.
Ilang beses na akong nagpunta sa Quiapo, Baclaran at Santa Clara upang manalangin at humingi ng tulong. At tila, hanggang ngayon, hindi pa nakakarating sa kanila ang mga hiniling ko. Marahil, mas madami ang nangangailangan ng tulong nila sa ngayon. Handa naman ako maghintay. Pero hanggang kailan?
Hindi ko kinukwestiyon ang aking pananampalataya. Dahil alam ko, tanging ang May Kapal lamang ang makapagsasabi kung ano ang hinaharap ko. Kung ano ang kahihinatnan ng lahat ng ito.
**Masaya ako! Masaya ako! Masaya ako!**
July 25, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)