August 16, 2009

Isa Akong Pilipino

Kagabi, naisipan kong lumabas ng kwarto at magikot-ikot. Bitbit ang aking camera, tinungo ko ang Wall Mart. Hindi naman kalayuan ang naturang pamilihan kaya nilakad ko na lang.

Piktyur dito, piktyur doon.

Nang makarating ako sa Wall Mart, naisipan kong manigarilyo muna. Alam kong bawal dahil sa sakit ko, pero tila nauuhaw ang aking baga. Pagkasindi ko ng sigarilo, biglang may humintong sasakyan sa gilid ko. Hindi ko na tinignan dahil inisip ko, baka may bababa lang at mamimili sa loob. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad ngunit mga ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa, biglang umalingawngaw ang tunog ng isang pito...

Nilingon ko to. May papalapit sa akin. Isang pulis.

"What are you doing out so late?" sabi ng pulis.

"Nothing much. Just walkin' around the block." sagot ko.

"You can't do that here." paninita ng pulis sa paninigarilyo ko.

"And why is that?" balik ko.

"Because you're Asian. If I'm not mistaken, you're a Filipino, right?"

"That's your reason why I cannot smoke here?" tanong ko.

"Yeah! Got a problem with that, chink?"

Nag pantig ang tenga ko sa sinabi nya. Chink? Eh hindi naman ako intsik ah! Bobo!

"Did you just call me chink? I'm not even Chinese! Stupid! And I've never heard of a police officer forbidding someone to smoke just because he's Asian! That's discrimination! May I have your name?" sabay piktyur sa mukha ng pulis!

Tila nagulat ang pulis sa ginawa kong pagkuha ng litrato sa kanya.

"Give me that!" sabi ng pulis.

"This is mine!" sagot ko.

"I'll count to three buster and if you don't hand that over, I will be forced to take that forcefully from you!" pananakot ng pulis.

"Try to do that and I'll report you for discrimination!" sabat ko.

Napahinto ang pilus sa sinabi ko. Parang biglang napaisip.

Ano naman kaya ang nagawa ko para mapahinto ang pulis ng ganun? Na ire-report ko siya? Hindi yata. Tsaka ko naalala, na ang mga Puti, takot sa salitang discrimination. Dahil punishable pala dito yun. Discriminasyon. Malawak na salitang nagdudulot ng takot sa karamihan ng Amerikano.

Pagkakataon ko na para "durugin" ang Kano.

"I'll repeat, I'll report you for Discrimination!" ulit ko.

"Hold on one moment. I was merely trying to tell you that you cannot smoke here" tila takot na sagot ng pulis.

"Nah Nah Nah Nah Nah Nah! You said earlier that I cannot smoke here because I was Asian!"

"Look sir, I was just pointing out to you that the smoking are is right over there" sabay turo sa may bandang basurahan.

-----

Bakit ba may mga taong hindi matanggap na kayang lakaran ng ibang tao ang bansa nila? Kung makaasta, kala mo nabili na nila ang lahat ng daanan. Ang ayoko pa naman sa lahat, eh ang mababang pagtingin sa lahi natin. Sa Lahi ko! Isa akong Pilipino. Taas noo kong ipagsisigawan na isa akong Pilipino. Kahit pa sabihing nagta-trabaho ako sa isang banyagang kumpanya, Pilipino pa din ako! Matapang, Walang inaatrasan. Ipaglalaban kung ano ang tama.

At kahit baliktarin pa natin ang mundo, mananatili akong Pilipino... Sa Isip, Sa Salita, Sa Gawa...