December 17, 2008

'Tis the Season..

Nang dumating ako sa office kagabi, nakita ko na karamihan sa agents e nagkukumpulan sa harap ng kwarto ko. Parang may sinisilip.

Parang may shooting lang ah!

"Anong meron?" tanong ko.

"Sir, may napakalaking gift sa table mo!"

"Ha?"

"Naks! May secret admirer si sir!"

"Asus! Tigilan na 'yan. Mag log-in na at mag take na kayo ng calls"

"Sir, buksan mo muna yung gift mo para makita namin!"

"Baka galing sa kuya ko, padala sa'kin for Christmas."

"Ahh...."

'Pag pasok ko sa room, dali-dali kong sinara ang pinto at ni-lock. Ang hindi alam ng agents ko, galing sa akin mismo yung regalo.

Oo. Pinadalahan ko ang sarili ko ng regalo. Siyempre, alam na alam ko ang laman. Isang pares ng itim na medyas na inilagay sa napakalaking karton. Regalo ko sa sarili ko ngayong Pasko. Ayoko mang aminin, pero naaawa ako sa sarili ko. Almost 5 years ko nang sine-celebrate ang Pasko ng mag-isa dito sa Pilipinas. And since last week, puro exchange gift nalang ang ginagawa ng mga agents sa production floor. Ang mas nakakainggit, hindi ako kasali. Para sa mga agents lang daw kasi 'un.

Fine! Kung ayaw nila akong isali e di huwag! Pero deep inside, nakakalungkot. May nere-receive man akong mga gift every Christmas, either panyo or picture frame palagi. Hindi naman sa nagco-complain ako, ang sa akin lang, alam mong hindi pinag isipan yung regalo.

OK lang naman sa akin yung panyo, kasi lagi naman ako nawawalan ng panyo. Pero mas OK sana kung, yung gift sa akin e from the heart. Ang hirap i-explain. Basta.

I'm not asking for an expensive gift or anything. I just want something that truly matters. Like what I said, yung tipong from the heart. I'm not sure what it is, pero something that will mean "deep". Yung tipong ganun. Haay.

--

Jingle Bells

Jingle Bells

Jingle all the way..

Oh what fun, it is to ride

in a one-horse open sleigh...

Sana next year mas masaya na..

Haay..