November 06, 2009

Happy Kaarawan

November 5 - Araw namin ni Elmo. And instead of celebrating, we were arguing. Ang reason, shoutout ko sa facebook.

It started last Sunday nung pauwi na kami. Dapat a week before, papanuorin namin yung Paranormal Activity sa internet. Pero hindi natuloy kasi mabagal yung internet connection. Tapos that Sunday, sabi nya napanood na daw nya yung movie with a friend. Aba at kinukwento pa sa akin kung anong nangyari. Nainis ako kasi dapat kami yung manonood nun. Hindi ko na lang sinabi na na-disappoint ako sa kanya kasi wala lang naman yun.

The other night, nasa NRT siya for his regular flight, nung pinost ko sa facebook na na-disappoint ako kasi nga hindi ko napanood yung movie na kasama siya. Pero si Elmo, napanood na. Pano ba naman, lahat na lang yata ng friends ko sa facebook e wala nang ibang pinagusapan kundi yung Paranormal Activity. Inshort, nabasa ni Elmo yung sinabi ko. Sabi nya issue pala yung nangyari. Ang suggestion nya sa akin, manood daw ako ng movie na hindi siya kasama para makaganti daw ako.

That's not the point!

Alam nya na gusto ko panoorin yung movie tapos malalaman ko na lang na napanood na pala nya. Siguro nga mababaw ako pero na-disappoint talaga ako. Tapos magsu-suggest pa na gumanti na lang daw ako para quits. Anong suggestion yun?! That's stupid!

Sa relationship, wala dapat gantihan. And hindi dapat iniisip ang gumanti 'coz' that's wrong. Well, sa tingin ko lang naman.

Iniwan kong naka-online yung facebook and YM ko para i-message nya ako or batiin since araw namin kahapon. Pero lumubog na ang araw, ni hindi man lang nagparamdam sa akin. Constant ko chine-check kung online siya or idle, pero naghintay lang ako sa wala.

Nag-message siya sa akin around 10pm na yata yun. Tapos away ulit over YM. Haay. Nakakapagod na. Inaamin ko ang babaw. Pero para sa akin, it's those tiny little things that makes me happy. The thoughtfulness. Ako kasi, before I do anything, iniisip ko muna siya. Kung gugustuhin ba nya na kasama ko siya or not. Gusto ko kasi, lagi ko siya kasama kahit gaano pa ka-minute yung gagawin. I guess because I love Elmo more.

Ang nangyayaari, I am getting dependent kay Elmo. Parang I can't do anything without Elmo. Tapos siya, super independent. Elmo can do whatever Elmo wants. Ang hirap. Feeling ko tuloy, parang nasasakal ko na siya. Ewan ko ba. Hindi ko na alam yung gagawin ko.

From now on, I'll try to be more independent. I can't be like this. Hindi ako gaganti because that is just wrong. Pero as much as possible, uunahin ko na muna ang sarili ko more than anybody else.

November 04, 2009

Sira ang Plano!!!

Kala ko maa-avail ko na yung CTO (Compensatory Time Off) bukas since pumasok ako sa office last Monday, Nov 2. By the way, lahat ng officers merong CTO pag may holiday pero pumasok pa din sa office. Well, wala naman talagang holiday ang nagt-trabaho sa call center. But the end result, hindi ako pinayagan ng boss ko.

Ang mga reasons:

1. May call ang cliente mamayang gabi at maapektuhan daw ang "Developmental Plan" ko! Eh pakshet! Sino ba may gusto ng Developmental Plan na wala namang nangyayari?! Nagka-issue na ako before sa ex-boss ko dahil sa pesteng Developmental Plan na yan! Tapos ngayon ganun nanaman ang issue! Haay! Nakakasawa na! Naisip ko tuloy, is history repeating itself? Naks!

2. Forecasted na mainit ang ulo ng Amerikanang trainor dahil may conference call daw sila at madidiin siya! Ang tanong... Ano naman ang kinalaman ko dun?! Ako ba ang mage-escalate?! Ako ba ang involved party?! Pucha talaga!

------

Ang hirap iwasan sa office ang kung ano-anong issue kahit wala naman talaga dapat. And kahit gaano ka pa kagaling umiwas sa mga issue, it will eventually find you! I can say I've been in the industry long enough to know that people do get promoted not because of what they know. But because of the people they do know...

To top it all off, since akala ko makakapag-leave na ako tomorrow, nagpa-set na ako ng Radiation session tomorrow sa Makati Medical Center para sa sakit ko. Nakapag bayad na din ako ng Brachytherapy fee. I can't pretty much call my doctor and say, Doc hindi na lang pala ako magpapa-radiation tomorrow. Eh super laking favor na nga ang ginawa nya kasi isiningit nya ako sa lists of patients. Haay.Nararamdaman ko tuloy na bukas, baka bigla na lang bumula ang bibig ko at may mga lumabas na mga words na hindi dapat lumabas.

Well, let's see...

November 01, 2009

Ang Stalker

I think I might have gotten a stalker! Nyeeeek!

Ever since lumipat kami ng office dito sa Cubao, nag-decide akong magstay na lang muna sa Eurotel sa tapat ng Gateway Mall. Kahit masakit sa bulsa, kailangan magtiis habang wala pa akong nahahanap na pwede kong i-rent na apartment or kahit room. Infairness, free ang WiFi. Tapos may libre pang shampoo, toothbrush, toothpaste and suklay! May collection na nga ako ng suklay eh!

Anyway, last Thursday, inassign nila ako sa 2nd floor. E pucha walang Wifi sa 2nd floor! So nagpalipat ako sa 5th floor.

"Sir may discount card po ba kayo?" tanong sa akin nung nag-assist. Tawagin na lang natin syang Assistant!

"Ay wala po. Saan ba ako pwede kumuha?" tanong ko.

"Sige sir bibigyan na lang kita mamaya pag out ko. 'Wag na lang po kayong maingay kasi bawal yun." Sabi ni Assistant.

"Ah ganun ba? Sige OK po." sagot ko naman.

Maya-maya lang, nagring yung phone sa loob ng kwarto sa 5th floor. 'Pag sagot ko, si Assistant pala!

"Sir out ko na po. Ida-daan ko na lang po jan yung discount card."

"OK po."

**door-bell**

Binuksan ko ang pinto at nasa labas si Assistant!

"Ito na po yung discount card." Smile..

"Salamat ah" sabi ko.

"Ok lang po sir. Kung may kailangan po kayo, nasa kabilang room lang po ako. Ano po pala number nyo?" tanong ni Assistant.

Kahit hindi ako sigurado kung bakit nya kinukuha yung number ko, binigay ko na rin. Inisip ko, baka bigyan ako ng mas malaking discount!

"Sige sir text-text na lang!"

"Ha? Ahh OK" naiilang kong sagot.

Sinara ko na ang pinto at nag internet na.

Maya-maya, tumunog ang phone ko...

"Hi Sir! Ako po si Assistant. Dito lang po ako sa kabilang room nagpapahinga. Kung may gusto po kayo, i-text nyo lang po ako." sabi sa text message.

"Ah wala na. OK na ako dito sa room. Naka-connect na ako sa internet. Salamat ulit sa discount card ah." reply ko.

"Wala po yun sir. Um.. sir, gusto nyo po puntahan ko kayo jan sa room nyo?" reply nya.

"Ha? Bakit? Teka lang, extra service ba yan? Hehe joke lang po." reply ko.

"Gusto nyo po ba?" sagot nya.

Hala! Si Assistant nage-extra service pala!

"Um.. Assistant, next time na lang po. Pagod na kasi ako tsaka maaga pa po work ko bukas." reply ko.

"Sige sir kahit sa ibang araw na lang." sagot ulit nya.

Kala ko tapos na. Ang akala ko, hindi na magt-text ulit. Aba hindi pala! Pinapa-ring pa ang phone ko! Adik yata tong si Assistant eh!

----

Kinabukasan, sinabi ko ang nangyari kay Toni, kasama ko sa trabaho. Tawa lang siya ng tawa. Por dat, sabi ko i-try nya! Aba at kinuha naman ni gago ang number. And nagt-text na din sa kanya!

Hindi ko na tinext si Assistant since umalis ako dun sa Eurotel. Pero ang baliw, pa-ring ng pa-ring sa phone ko! Buti na lang hindi nagt-text. Tinanong ko si Toni kung tine-text pa siya. Hindi na daw. Hindi na din daw nirereplyan si Toni.

Eh bakit pa-ring ng pa-ring sa phone ko?! Tsk tsk tsk!

Iniisip ko tuloy mag iba na ng number. Pero hindi din. For sure naman magsasawa yan!