November 01, 2009

Ang Stalker

I think I might have gotten a stalker! Nyeeeek!

Ever since lumipat kami ng office dito sa Cubao, nag-decide akong magstay na lang muna sa Eurotel sa tapat ng Gateway Mall. Kahit masakit sa bulsa, kailangan magtiis habang wala pa akong nahahanap na pwede kong i-rent na apartment or kahit room. Infairness, free ang WiFi. Tapos may libre pang shampoo, toothbrush, toothpaste and suklay! May collection na nga ako ng suklay eh!

Anyway, last Thursday, inassign nila ako sa 2nd floor. E pucha walang Wifi sa 2nd floor! So nagpalipat ako sa 5th floor.

"Sir may discount card po ba kayo?" tanong sa akin nung nag-assist. Tawagin na lang natin syang Assistant!

"Ay wala po. Saan ba ako pwede kumuha?" tanong ko.

"Sige sir bibigyan na lang kita mamaya pag out ko. 'Wag na lang po kayong maingay kasi bawal yun." Sabi ni Assistant.

"Ah ganun ba? Sige OK po." sagot ko naman.

Maya-maya lang, nagring yung phone sa loob ng kwarto sa 5th floor. 'Pag sagot ko, si Assistant pala!

"Sir out ko na po. Ida-daan ko na lang po jan yung discount card."

"OK po."

**door-bell**

Binuksan ko ang pinto at nasa labas si Assistant!

"Ito na po yung discount card." Smile..

"Salamat ah" sabi ko.

"Ok lang po sir. Kung may kailangan po kayo, nasa kabilang room lang po ako. Ano po pala number nyo?" tanong ni Assistant.

Kahit hindi ako sigurado kung bakit nya kinukuha yung number ko, binigay ko na rin. Inisip ko, baka bigyan ako ng mas malaking discount!

"Sige sir text-text na lang!"

"Ha? Ahh OK" naiilang kong sagot.

Sinara ko na ang pinto at nag internet na.

Maya-maya, tumunog ang phone ko...

"Hi Sir! Ako po si Assistant. Dito lang po ako sa kabilang room nagpapahinga. Kung may gusto po kayo, i-text nyo lang po ako." sabi sa text message.

"Ah wala na. OK na ako dito sa room. Naka-connect na ako sa internet. Salamat ulit sa discount card ah." reply ko.

"Wala po yun sir. Um.. sir, gusto nyo po puntahan ko kayo jan sa room nyo?" reply nya.

"Ha? Bakit? Teka lang, extra service ba yan? Hehe joke lang po." reply ko.

"Gusto nyo po ba?" sagot nya.

Hala! Si Assistant nage-extra service pala!

"Um.. Assistant, next time na lang po. Pagod na kasi ako tsaka maaga pa po work ko bukas." reply ko.

"Sige sir kahit sa ibang araw na lang." sagot ulit nya.

Kala ko tapos na. Ang akala ko, hindi na magt-text ulit. Aba hindi pala! Pinapa-ring pa ang phone ko! Adik yata tong si Assistant eh!

----

Kinabukasan, sinabi ko ang nangyari kay Toni, kasama ko sa trabaho. Tawa lang siya ng tawa. Por dat, sabi ko i-try nya! Aba at kinuha naman ni gago ang number. And nagt-text na din sa kanya!

Hindi ko na tinext si Assistant since umalis ako dun sa Eurotel. Pero ang baliw, pa-ring ng pa-ring sa phone ko! Buti na lang hindi nagt-text. Tinanong ko si Toni kung tine-text pa siya. Hindi na daw. Hindi na din daw nirereplyan si Toni.

Eh bakit pa-ring ng pa-ring sa phone ko?! Tsk tsk tsk!

Iniisip ko tuloy mag iba na ng number. Pero hindi din. For sure naman magsasawa yan!

No comments: