Kala ko maa-avail ko na yung CTO (Compensatory Time Off) bukas since pumasok ako sa office last Monday, Nov 2. By the way, lahat ng officers merong CTO pag may holiday pero pumasok pa din sa office. Well, wala naman talagang holiday ang nagt-trabaho sa call center. But the end result, hindi ako pinayagan ng boss ko.
Ang mga reasons:
1. May call ang cliente mamayang gabi at maapektuhan daw ang "Developmental Plan" ko! Eh pakshet! Sino ba may gusto ng Developmental Plan na wala namang nangyayari?! Nagka-issue na ako before sa ex-boss ko dahil sa pesteng Developmental Plan na yan! Tapos ngayon ganun nanaman ang issue! Haay! Nakakasawa na! Naisip ko tuloy, is history repeating itself? Naks!
2. Forecasted na mainit ang ulo ng Amerikanang trainor dahil may conference call daw sila at madidiin siya! Ang tanong... Ano naman ang kinalaman ko dun?! Ako ba ang mage-escalate?! Ako ba ang involved party?! Pucha talaga!
------
Ang hirap iwasan sa office ang kung ano-anong issue kahit wala naman talaga dapat. And kahit gaano ka pa kagaling umiwas sa mga issue, it will eventually find you! I can say I've been in the industry long enough to know that people do get promoted not because of what they know. But because of the people they do know...
To top it all off, since akala ko makakapag-leave na ako tomorrow, nagpa-set na ako ng Radiation session tomorrow sa Makati Medical Center para sa sakit ko. Nakapag bayad na din ako ng Brachytherapy fee. I can't pretty much call my doctor and say, Doc hindi na lang pala ako magpapa-radiation tomorrow. Eh super laking favor na nga ang ginawa nya kasi isiningit nya ako sa lists of patients. Haay.Nararamdaman ko tuloy na bukas, baka bigla na lang bumula ang bibig ko at may mga lumabas na mga words na hindi dapat lumabas.
Well, let's see...
November 04, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment