March 29, 2009

Sana...

***toot toot -- toot toot***

Warbird: Malate daw tayo nila O and Rain
Macoy: Sige. Saan ko kayo pupuntahan?
Warbird: Kita nalang tayo sa kanto ng Nakpil. 'Dun sa may PNB.
Macoy: What time?
Warbird: 11:00 pm.
Macoy: O.K. Ligo na ako.

***toot toot -- toot toot***

Macoy: San na kayo?
Warbird: Dito na sa loob ng bar.
Macoy: Sige punta na ako. Sumama si Mr. Ipod. O.K. lang ba?
Warbird: Fine.

------

Warbird: Bakit mo sinama si Mr. Ipod?
Macoy: Baka daw may gawin ako. Kaya ayun, binabantayan ako.
Warbird: Ang sweet!
Macoy: Is it?
Warbird: Bakit naman hindi?
Macoy: Wala lang. I guess, iba ang interpretation ko.
Warbird: Meaning?
Macoy: Basta.

------

Trust me! 'Pag ikaw aalis or lalabas with your friends, hindi ka nagpapaalam sa'kin. Iinform mo ako 'pag nasa place ka na or on the way ka na. And since I trust you, na wala kang gagawing kagaguhan, hinahayaan kita. Pero 'pag ako, bawal lumabas mag-isa, bawal sumama sa mga kaibigan, bawal makipag usap sa hindi ko kilala, bawal tignan ang phone unless ikaw ang unang magbabasa ng text message. Oo nung una ang sweet. Pero sobra na.

Ilang beses ko kailangan sabihin na hindi ako magloloko. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng nagago kaya hinding-hindi ko gagawin yun. At hindi pa ako nanggago o nangloko ng ibang tao. Kung naniniwala ka sa mga sinasabi ko, bibigyan mo ako ng oras para sa sarili ko at para magawa ang ibang bagay na guto kong gawin...

No comments: