Share ko lang nangyari last night..
A friend and I ate somewhere in alabang. Ang sarap. Ako yung taya and feeling ko, yung kakainin namin e hindi naman aabot ng 2 thousand. So kain galore kami. 3 rice tapos share na kami dun sa napakasarap na ulam... Salt and Pepper Crab. So yun nga, we ate, we talked, konting lambingan on the side... Hehe. When it was time to leave na, aba pagtingin ko sa bill, 1,899!!!! Whaaaaaat?!
Nagpanic ang lolo mo kasi ang laman nalang ng wallet ko is 1,090. Nahalata yata ni friend so nagvolunteer siya na bayaran yung difference. Nakakahiya talaga. Pero ok lang daw kasi we had fun.
As usual, after dinner, coffee. We ordered cappuccino na tall size. Yung sa friend ko, nilagyan nya ng cinnamon. So nainggit ako. Ayoko na ng cinnamon kasi ginawa na nya. So naisip ko, iba naman sakin.. Nutmeg!
Ang sarap ng amoy! Ang bango! Yung friend ko yung unang tumikim sa coffee nya. Aba nalukot ang mukha nya. Sabi ko, baka ndi lang talaga match ang cinnamon sa cappucccino. When i tasted my coffee, my gosh bigla ko naibuga! Nakakadiri yung taste! Lasang kahoy na inanay! I think muntik pa akong masuka! Nakakadiri talaga yun lasa nya!
To cut the long story short, we ordered again, this time yung cold drink na to wash away the aftertaste of nutmeg sa coffee.
Lessoned learned: do not experiment when it comes to coffee! OK na yung creamer and sugar. Other than that, forget it!
September 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
is that a coffee shop or what? ayoco din mapunta dun:D baka maloca co. .
natuwa naman ako kc kagagawa ko lng ng blog tapos may nag comment na. hehe. thanks paperdoll :D
sa starbucks-alabang town center po i2.. ;D
Post a Comment