March 11, 2009

Paalam Kaibigan

** tok tok tok **

Asar! Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos biglang may kakatok! Bad trip!

** tok tok tok **

"Sandali lang! Babangon na!"

** tok tok tok **

Aba mas malakas ang katok ng kung sino man ang nasa labas ng pinto!

"Ito na nga eh! Sandali lang!"

Binuksan ko ang pinto..

"Kuya! Si Gulda (Golda) patay na!"

Natigilan ako. Ang pinakamamahal kong si Golda, pumanaw na! Si Golda na walang malay. Si Golda na ang alam lang gawin sa buhay e lumangoy sa kanyang mumunting aquarium. Si Golda na hindi ko nabigyan ng sapat na atensiyon. Dali-dali akong nagtapis ng twalya at binuksan ang pinto. Hindi ko na pinansin si Inday na nakatayo sa labas ng aking pintuan na may hawak pang sandok. Pumunta ako sa sala kung saan nakalagay ang aquarium ni Golda..

"Inday! Inday! Inday! Nasaan na si Golda?!"

"Eh di binigay ku na kay Mena" (Mina). Si Mina ang pusang gala na piniling manirahan sa pad ko.

"Ha?! Pinakain mo si Golda kay Mina?! Bakit?!" Naglalabasn na ang mga ugat ko sa leeg habang tinatanong si Inday.

"Eh anu naman ang gagawin ku sa guldpis? Ip-pritu ku?! Kuya hindi yata masarap 'yun"

Kung hindi lang masama pumatay ng tao, malang pinaglalamayan na ngayon si Inday!

Hindi ko na sinagot ang napaka galing kong kasama sa bahay. Bumalik ako sa kwarto at nagibhis. Kailangan kong magluksa! Kailangan kong bigyan ng respeto ang pagpanaw ng pinakamamahal kong si Golda...

Sa park ako nagpunta. Sa park ko ipagluluksa ang pagkamatay ni Golda. Hawak ang mga pinagpipitas kong mga bulaklak, nilagay ko ang mga ito sa ilalim ng puno na lagi kong tinatambayan. Haay. Wala na si Golda.

Nagpunta ako sa isang pet shop para tumingin ng mga isda na pwede kong ipalit kay Golda. Pero iba pa din si Golda. Oo madami siyang kamukha, pero nagiisa lang si Golda.

Bumili ako ng isang pares ng Goldfish. Naisip ko, siguro hindi sila malulungkot kasi magkasama sila. Hindi katulad ni Golda na magisa lang. Ano naman kaya ang ipapangalan ko sa mga bago kong isda? Golda Junior? Golda II? Hmm..

Loise and Clark! Tama. Tandem silang dalawa! Si Loise nalang yung mas malaki ang mata. Tapos si Clark naman yung mas malaki ang ulo. Hehe. Perfect!

-----

Si kontrabidang Inday, sabi sa akin pag uwi ko ng bahay..

"Kuya sana Tilapya nalang ang binili nyo. O Bangus kaya. Para 'pag namatay, pwede pa natin ulamin!"

Gustuhin ko mang magalit kay Inday dahil pinakain 'nya si Golda kay Mina, natawa nalang ako.

Iba ka talaga Inday!

4 comments:

Kokoi said...

may golda rest in peace. sorry about your fish pero bro, i enjoyed this post.

Macoy said...

@ kokoi: salamat parekoy..Ü natuwa din ako sa "lovestory" mo..Ü

Herbs D. said...

awww. poor fishy. had 10 of my fishes dead dahil nilagyan ni papa ng asin. bongga diba?!

Inday will always be like that, accept her nalang hehe

Macoy said...

@ herbs: i know. hehe..